Powtek!
Ang daming nagyayaring krimen sa pilipinas! And yet saan napupunta 'to? Ayun, natatambak sa Kangkungan. Nabubulok sa burak, sa pinakailalim ng mga "unsolved crimes" sa Pilipinas.
I hate it. Sa paggising mo sa umaga, ang almusal na bubungad sayo eh mga ganitong balita:
2 sekyu na suspek sa nakawan sa RCBC, sumuko na
Sumuko na ang dalawang security guard ng hinoldap na RCBC branch sa Cabuyao, Laguna.
Naniniwala ang pinuno ng Task Force Cabuyao na malaki ang maitutulong nito para mahuli ang mga holdaper na pumatay sa siyam na empleyado ng bangko. Ang naganap na nakawan ay sinasabing pinakamadugong bank robbery sa kasaysayan.
Pang-10 biktima sa RCBC robbery pumanaw na
Matapos ang halos dalawang araw na pakikipaglaban sa kanyang buhay pumanaw na St. James Hospital sa Sta Rosa, Laguna si Isagani Pastor, ang client relationship manager ng RCBC.
Si Pastor ang ika-10 nang biktima ng pinakamarahas na bank robbery sa Pilipinas. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawalan ng pagasa ang RCBC na matutukoy at mapapanagot pa rin sa batas ang mga suspek sa krimen.
At kanina sa balita, meron na namang 3 families ang walang awang pinaslang ng di pa nakikilalang kriminal kagabi bandang alas onse ng gabi.
Anak ng Pating! *Son of a shark*( oh di ba may translation pa for my foreigner readers.) (as if! haha!)
Nakakaumay talaga! Minsan maiisip mo bakit nangyayari tong mga bagay na to na completely and obviously stupidity.
I pity those families na naulila ng mga ito. It is really traumatic. And I really hate those people na nagiging root cause ng mga to. Mas dapat managot ang mga DRUG PUSHERS, GAMBLING LORD AND DRUG LORDS, also PROTECTORS ng mga kriminal na nasa likod ng mga holdapan, nakawan, kidnapan at kung ano-ano pang krimen na nakakasuka na sa bansa natin.For without them, hindi sana mangyayari ito. There would be no Drug addicts that would go out of their minds and would stab, shoot, rape, rob or massacre ang kahit na sinong mapagtripan nila.
I hate to say this but this country looks pathetic.
We must do something.




0 naGreAct:
Post a Comment