

"Pahiram ako ng notes mo!" natatandaan kong madalas kong sabihin sa friend kong si joan pag di ako nakakakopya ng lecture sa subject namin dati. Nakakatamad naman kasi magsulat dahil lugi ako. Ako kasi ang napili ng mga kaklase ko noon na maging secretary ng klase. (dahil maganda daw kasi ang sulat-kamay ko) Na pag naiisip ko ngayon eh parang gusto lang yata nila kong parusahang magsulat ng pagkahaba haba sa blackboard habang ang teacher namin ay nakabantay sa amin at nakaupo. Siyempre ako ang nagsulat sa blackboard kaya ang sarili kong notebook, walang sulat. Saya di ba? buti sana kung pwede kong iphotocopy ang buong blackboard at idikit sa notebook ko. hehehe! Advantage lang nun, makikilala at matatandaan ka ng teacher dahil tuwing sinusumpong sila ng katamaran eh to the rescue ako. At siyempre, may bonus points ka sa report card at minsan exempted sa pasahan ng notebook. Yun nga lang wala akong mareview halos dahil wala nga akong sulat! hehehe!
Tipikal lang ako na estudyante noon. Nung first year ko sa highschool, section 1 ako. (wow! pag narinig nilang sec.1 ka, parang ang galing mo na, hehehe) kaso may mababa akong grades nun sa math (I hate math talaga) kaya ng mga sumunod na taon ay napunta ako ng sec.2 na sa tingin ko ay aking "destiny" hehehe.
second year ko na meet ang mga forever dabarkads ko ngayon.
Nung elementary lagi akong nasa first row ng upuan dahil maliit ako. (well, hanggang ngayon din naman)pero nung high school kasi, magkahiwalay ang lalake sa babae at alphabetically arranged ang seat. Kaya ayun, sa hulihan ako naupo dahil letter 'V' ang surname ko. Nung second year siyempre nailang ako dahil nalayo ako sa mga naging ka close ko na sana nung 1st year, Nameet ko si elizabeth anne, joana marie, angelita, arriane joy at Kathrina. Pangalan pa lang, pamatay na di ba? hehehe...
Sila mga kasama kasama ko sa kalokohan, sa biruan, tawanan, asaran at minsan iyakan. Hanggang sa maisipan ng prumotor kong bestfriend ang pangalan para sa barkadahan naming walang kupas.
"TROPANG CUTE"
kasi cute nga daw kasi kami, hanggang ngayon naman.. ehem!hehehe
Barkadahan na nadagdagan ng mga bagong miyembro. Si Reysie at si Darwin.
Magkakasama kami sa kulitan, buti nga natagalan nila ako eh! Hehehe! High school pa lang kasi pasaway na talaga ako. Parati akong naiiwan sa gate kasi lagi akong late nakakapasok. Kasama ang mga “late comers”, hinihintay naming matapos ang flag ceremony bago kami makapunta sa kanya-kanyang klase. Minsan nga naranasan ko pang maglinis ng C.R. Parusa ko sa pagiging late ko nun. Hehehe! Siyempre ba naman, andun ang berdugo ng gate namin. Si “Manang”. (lady guard naming super lupeeeet!)
May kanya-kanya din kaming bansag sa mga guro namin noon.
1. “Upo”, kasi masungit siya sa amin. Ang napag diskitahan tuloy namin ang malalaki niyang mga binti. Parang upo daw! Hahaha..
2. “Volcano”. Masungit at pala sigaw na guro. Para siyang sasabog na bulkan pag nagagalit. Kawawa ang kaklase kong nasa isle nakaupo. Siya ang matatalsikan ng nagbabagang laway ng nagngangalit na bunganga n gaming teacher. Nyiiiiii
3. “Kasunduan”, maayos naman siya magturo. Kaya lang namin siya nabansagan dahil sa mahilig siyang magpagawa ng kasunduan (assignment o takdang aralin) sa amin. At take note, kelangan may margin ang magkabilang side ng pages ng notebook at may pangalan mo sa gilid! Mas mataas ang makukuhang grade kapag may mga design at makulay. Oh di ba? Bata pa lang kami trained na kaming maging graphic artist! Hahaha
4. “Mazurka MindoreƱa”, medyo complicated ang bansag na ito. Mahaba bigkasin pero madalas naming mabanggit pag nababadtrip kami sa teacher namin. Barkada kong si Darwin ang nagbinyag ng ganitong bansag sa kanya dahil katunog daw ng apelyido nito. Isa lang ang alam ko noon, ayaw ko talaga ng subject na tinuturo niya. Waaaah
5. “Pudong”, alam niyo ba yung palabas na anime dati? Sa natatandaan ko, “Julio’t Julia yata yun”. O kung saan mang Chinese na palabas. Na katulad daw ng itsura ng buhok ng teacher namin dati. In fairness to him mabait naman yun noh! Har har har
Salbahe namin noh? Pero alam ko naman lahat ng estudyante dumaan sa ganung stage. Lalo na pag terror at pahirap sa buhay nila ang teacher na yun! Wahahaha!!
Anyway, highway, skyway, my way, marami naman akong natutunan sa mga teachers ko. Siyempre sa school hinuhubog ang pagkatao mo, kaya responsibilidad nilang baguhin anumang masama na makikita nila sa’yo. Karamihan naman sa mga naging teachers ko nung high school eh, magagaling. Kung meron mang hindi okay eh, hindi ko na matandaan. (kasi kinalimutan ko na sila! Hehehe joke lang)
Enough with the teachers. Punta naman tayo sa love life ko nung high school na sing drama at kulay ng koreanovela, telenovela at chinovela.
Makulay as in kulay pula at kulay itim ang lovelifeko noon. (oh di ba? at least may 2 kulay!)
Kulay pula: pag may nakita akong bagong crush ko. Yung tipo ng lalakeng lilingunin mo pag lagpas sayo. Pagdadasal mong ngitian ka kahit minsan. At papangaraping makatabi sa upuan man lang.
Kulay itim: BASTED ako! Waaaaaaahhhhhhhh!!!!
Komplikado naman kasi eh! Ang tipikal na teenagers madami talagang nagugustuhan. Kaso ako noon naranasan kong ma in love kaso hindi pwedeng ientertain yung feelings kasi hindi pwede. Hanggang tingin lang minsan, palihim pa. May mga kilig moments pero mas lamang yung iyak period. High school pa lang, masasabi ko ng nainlove talaga ako. Maybe it sounds corny, but I realized that some things happened so fast and yet its memories really last. Pero ‘pag naiisip ko ngayon yung mga nangyari, napapangiti na lang ako. ‘Coz in a while at least naranasan kong kiligin habang sinasayaw niya ko noong JS Prom, feeling ko sinusulyapan niya ko sa seat ko paminsan-minsan, nasabayan niya kong maglakad nung uwian namin, kinasal kami noon sa marriage booth nung foundation day kahit na may malulungkot na memories gaya ng panliligaw niya sa ibang girl, pangdededma minsan at nareceived ko yung sulat na nagsasabing wala siyang feelings sa akin. But like what I’ve said, it’s just memories na babalik-balikan mo na lang. Ganun talaga, naging part yun ng life mo eh. It had made me strong naman kaya wala akong regrets na nangyari yun.
Well…well.. tama na ang kadramahang ito! Hehehe
Last March 31, graduation ng kapatid ko ng high school in the same school, nakita ko ulit yung lumang room naming nung 3rd year & 4th yr pa ko. Nakakamiss. Nakakamiss yung upuan ko, yung tambayan namin, yung mga teachers ko dati. Naisip ko nga, sana pala kinareer ko yung high school days ko noon. Lahat ng contest sasalihan ko. Hehehe! Naalala ko pang nung graduation naming, nag iyakan tlaga kami ng mga ka tropa ko. Kasi naman hiwa-hiwalay na kami. Tapos siyempre kasama na dun yung mamimiss niyo lahat lahat.
Kaya nga vinavalue ko talaga lahat ng mga naging kaibigan ko. Lalo na yung mga high school friends ko na until now naman eh mga true friends ko pa rin talaga. They say the best treasures you can have are good friends. Totoo yun. Kahit may mga misunderstanding nandiyan pa rin sila pag dumating ang time na kelangan mo sila.
Wala talagang kasing saya ang High school life ika nga sa kantang nagpaiyak sa amin nung graduation. Kaya I dedicated this post to all of my high school classmates, friends & teachers. I miss you all mga tol! Sana magkita kita ulit tayo! Hehehe…
Wikipedia galit kay BONG REVILLA?
-
maraming memes na si Alyas Pogi. Yung iba galit na galit. Yung iba chill
lang.
Ako. No comment movement.
Ang hindi ko lang magets, bakit si wikipedia ga...
7 years ago




2 naGreAct:
oi riyah! alam ba ni aron tong mga kilig moments mo? hehehehe!
masyadong mahaba, di ka rin ginanahan noh?! dika inspired diba? hindi halata... mukhang isang linggo mo tong binuo eh.... hehehe... alam ko inspired ka, kasi may masugid kang visitor dito sa blog mo... oi.... kilig moments agen?!
I miss our High school days also! How I wish I can bring back those KILIG and happy times.. Sino ba tinutukoy mo dun sa mga kilig moments mo??! hahaha.. Hope to see you soon Bestfriend! :)
Post a Comment