Wednesday, December 10, 2008

ProMo Xmas PaRTY




Haaaisst..

Malamig na ang simoy ng hangin! Mahirap nang gumising sa madaling araw para maligo... Pahirapan ng bumangon at igalaw ang katawan dahil sa lamig ng panahon.

Buti pa ang mga promodisers namin nag christmas party na nung December 3...
At siyempre kamusta naman ang preparation namin na as usual super duper RUSH... malaman mo ba naman one week before the event eh sino ba naman hindi mangangarag nun..at take note AS USUAL, kami lang ang natataranta at ang INANG REYNA papeteks peteks... nag aabang na lang ng matatapos namin. Sinabayan pa ng layas dahil bibili daw ng prizes. Ayun 48 years bago bumalik. Yun pala umakyat pa ng bundok at tumawid pa ng dagat makabili lang ng bilog na pinagsama-samang alambre na lagyanan pala ng candies at ng kung ano-ano pang anik-anik...

Bago pa man ang lahat ng pahirap, napilitan kaming mag present ng isang nakakaawang sayaw dahil sa request ng SALES Manager. Bantaan ba naman ako na seryoso daw siya magalit eh..hehe

Sangkatutak na pambabadtrip ang naranasan namin before the said date dahil nga sa peak season na madami ding inaasikasong iba pang concerns ang HRAD (except the INANG REYNA na nakaupo lang sa trono niya). Lahat ba naman ng trabaho na hindi naman dapat ikaw ang gumagawa eh akuin mo na eh kasi nga PASALOD na naman ang kataas-taasan.

Pinakain kami ng maaga kasi nga gaya next year baka hindi na namin maasikaso even ang pagkain sa sobrang busy. Pero hindi ko inubos yung sa akin kasi yung pants na suot ko at yung blouse eh sobrang fit sa akin yun. Baka mapagkamalan akong buntis ng mga promo. hehehe

Kamusta naman ang dance presentation namin na ginawa ko lang nung 30-minute lunch break namin at pinraktis namin ng almost 2 hours. Ayun, resulta para akong aerobics instructor kakasenyas at sabi ng next step sa kanila. nyahahaha!!! Eto pa malala, may kodigo pa kami ng mga steps:

INTRO:

Shake ang booty 4 counts
turn ang hips clockwise 4 counts
4 sets


1. Suntok (left-arm 1st) 4 counts
2. Sexbomb move 4 counts
3. Repeat steps 1 & 2
4. Crisscross 4 counts
5. PUMP (Favorite step at contribution ni DONNA!!) 4 counts
6. Side step right & left 2 counts each
7. Repeat steps 4, 5 & 6.
Chorus na:
8. Push (iemphasize ang puwet)
9. Barbel (left) 4 counts
10. Push ulit
11. Barbel ulit (right naman) 4 counts
12. Slide (single-single-double-double)
12. Giling (pinakapacute na step dahil kelangan mong mag project ng husto tapos sabay giling.
REPEAT STEPS FROM THE TOP until end of the CHORUS.

at yan siyempre eh sa saliw ng tugtuging napulot ko sa Windows Media Player namin-- "EASY" na si Paula daw ang kumanta. (Easy na nga title, easy pa ginawa kong steps hehehe)

After ng nakakapangilabot na sayaw (hehe) eh bumalik kami sa aming mga puwesto na tawa ng rawa sa ginawa naming kabalbalan. Sana pala nagdala ako ng walis.
Walis para maglinis ng kalat namin at pamalo sa puwet ng nagpasaway na kasama naming nagsayaw na biglang nagbago ng formation namin dahil ayaw niya sa harapan. nyahaha

Masaya naman kahit pagod. Kasama naman sa trabaho kaya no choice! hehe
Feeling namin artista kami dahil papicture ng papicture sa amin ang mga Promodisers namin. (Yun pala may mga balak pala kaming pakulam eh noh, tuwa pa ako.)


Yun nga lang nung tintignan na namin ang mga pics halatang mga ngarag at bilasang isda na kami. Huggardness na ugliness pa.

Inabot ng madaling araw kaya wala na kaming naisip nun kundi umuwi na langat magpahinga sa kanya-kanyang bahay. Buti na lang hinatid kami ng aming dakilang driver na si Kuya Jeric kahit na wala pa din siyang tulog at pahinga.

Pag-uwi ko sa amin gising pa pala mama ko at inaabangan ako. Sa bahay ko na lang kinain ang food ko na hindi ko naubos saka humiga para matulog. (Katamaran ko, hindi ko na tinanggal ang hko na natanggal ang make-up ko at diretso higa na...hehehhe)

hmm..ano naman kaya ang mangyayari sa Christmas party ng para sa Plant...?
Abangan...
hehehe

2 naGreAct:

~~m$. DoNNA~~ said...

Ampooootah!!
pati practice naten ng sayaw post mo din... haizzzz...

RiyAh said...

eh siyempre!! yung video kaya ng mismong sayaw ipost ko din? hehehehe