
Nagpunta kami ng mama ko & my youngest sister sa 168 mall & tutuban mall para mamili ng mga gifts & outfit sa pasko last Sunday (Nov. 16)(outfit?? hahahaha)
The original plan sana ay sa SM North Edsa kami pupunta along with my father & my brother kaso conflict sa schedule ng bro ko dahil sportsfest ng school org nila. Si papa naman, madami daw rush works na gagawin kaya we decided na lang na sa 168 mall magpunta.
We attended Holy mass then saka na kami bumiyahe papuntang Dagupan (Divisoria). As early as last Sunday, madami na kaagad tao sa 168 & Tutuban para mamili. Ang daming discounted items, Buy one take one, & naka marked down halos lahat ng products.
Here are some of the keypoints for christmas shoppers at 168/Tutuban mall/Divisoria
- Magsuot ng comfortable footwear para hindi manakit ang paa, magkakalyo or magkapaltos kalalakad at kaiikot sa mall. (based on experience hehehe)
- Mas maganda kung bodybag ang dadalhin para iwas snatch at iwas laslas (dahil lalagay mo sa harap ang bag)
- Magdala na ng checklist ng bibilhin para pagdating dun, hindi na malilito sa bibilhin. (Mahirap kasing magdecide ng bibilhin kasi ang daming pagpipilian. hehehe)
- Sa pagbili, wag masyadong pa-rich effect, tumawad ng sagad-sagaran para makamura. (kaya ka nga nandun dahil mahal sa department store noh)
- Icheck muna ang items kung may sira bago bilhin o bayaran para hindi magsisi sa huli. (Most of the items there are made in china kaya dapat icheck ang quality. Minsan nakabili ako ng laruan na hindi ko napansing may sira)
- Maraming stores/stalls doon kaya mas maganda na mag compare na lang muna ng price & designs or quality ng item before bumili. Kaysa magsisisi bandang huli 'pag nakita mong nagoyo ka ng tindera ng kabilang stall. hehehe
- Kung first timer ka sa mga ganung klaseng pamilihan, make sure lang na alam mo ang sasakyan mo pauwi. Mahirap kasing magtanong-tanong pa matapos mong mamili dahil for sure na marami ka ng bitbit. Sigurado lawit dila mo bago mo mahanap ang sakayan. hehehe
- At kung inabutan na ng gutom, mas mabuting bago o pagkatapos ng lunchtime kumain dahil siguradong walang mauupuan sa food court o kahit sa fastfoods na nasa labas ng mall. (Walang epekto sa mga nakaupo na at kumakain ang paawa at teary-eyed effect mo dahil madami din abangers ng table at upuan na tulad mo. Kaya kesa makipag patayan ka makakain lang, wag sumabay sa lunch time.)
At siyempre napansin ko din ang ibat'-ibang klase ng tinderang meron tayo dito sa Pilipinas:
- CARE KO - sila yung mga tipo ng tindera na papasok ka at lalabas ng tindahan nila nang hindi nila nalalaman. Para ka lang hangin na napadaan dahil wala silang pakialam sa'yo kahit magkandahaba at magkandabali ang leeg mo kakatingin ng mga tinda nila. Nakatayo lang sila at nakatitig sa kawalan.
- MEGAPHONE - sila naman ang mga tinderang parang recorded ang mga sinasabi. Parang megaphone lang sa lakas ng boses at tinis ng pagtawag at pag-akit sa mga mamimili. (Minsan napadaan ako sa ganito muntik ko ng mabigwasan, sumigaw ba naman sa tenga ko ng "ATI, BELE KA NA, MORANG-MORA LANG". Pusang gala sabi ng OTAK ko, este utak pala.)
- DESPERATE HOUSESELLER - Nakakaaliw ang mga ganitong klaseng tindera dahil halos lahat ng tinda nila ilatag nila sa harapan mo, bumili ka lang. At take note pag nagtanong ka, kabisado na niya ang sagot niya sa tanong mo. Praktisado. (Yun nga lang dahil desperado na ngang makabenta, parang ayaw ka naman palabasin ng tindahan nila nang buhay. hehehe)
- SENT FROM HEAVEN ABOVE - ay eto ang ang magandang uri ng tindera. Mag-eenjoy ka sa mga tipo nila dahil parang silang mga anghel sa kabaitan. Yun bang bumili ka o hindi ayos lang basta masaya sila na napansin mo ang tinda nila. Pag nagtanong ka, satisified ka sa sagot nila. At kahit ilang beses mo silang utusang kumuha ng ibang stock/kulay/style eh hindi sila aangal. All smiles pa rin siya sa'yo. Ang matindi dun, unang hirit mo ng tawad eh pinagbigyan ka na kaagad. (Di ko lang alam kung naaawa lang siya sa akin kasi mukha akong wala ng pamasahe pauwi. hehehe)
- NAGMAMAGANDA - Tinderong pacute o tinderang makapal ang mukha este make-up sa face. Pag lalake ang costumer, tantalizing eyes ang nagmamagandang tindera na ito pero kapag babae, tataasan ka ng kilay at cold treatment ang mararanasan mo. Kapag nagpakuha ka ng bagong stock, ipapasa ka sa ibang tindera at siya ay uupo o aalis para mag entertain ng ibang lalakeng customer. (Dito ako nabuwiset kung pwede lang sapakin, sinapak ko na... kaso siyempre mabait ako. hehehe)
- WAIS TO NOH - Magulang na tindera. Kapag nanghingi ka ng ibang style, idadaan ka sa sales talk para mapilitan kang kuhanin ang una mong pinili. At dahil pinpush niya ang slow-moving item na nahawakan mo, puro pambobola ang gagawin para bilhin mo, kahit obvious na pinaglumaan ng panahon at hindi bagay sa'yo ang binibili mo. (Well.. saka mo yun marerealize pag uwi mo sa bahay at inulan ka ng pintas at pang-aasar galing sa nanay o tatay mo. hahahaha)
- SAGAD NA PO - Tinderang walang awa. Kapag sinabing yun ang presyo, yun na yun wag ka ng umangal. Magpatawad man sa presyo malaki na ang P20 na binawas. Kakanain ka pa ng pamatay na dialog na, "AY ATI, SAGAD NA PO. DI NA KAYA, PUHUNAN NA NAMIN YAN." (Dito ako napapagalitan ng mama at bf ko dahil hindi raw ako marunong tumawad. Eh kasi naman ako naaawa at isa pa ayaw ko ng masyadong madami pang pinagdidiskusyunan. Baka mahampas ko pa sa kanya yung paninda niya hehehe)
Isa lang ang napansin kong hindi ko malaman kung ikalulungkot ko o ikatutuwa.
Karamihan sa mga may-ari ng stalls at negosyo doon ay mga Chinese o banyaga. At ang mga katulad kong Pilipino at Pilipina ang siyang bida sa binanggit kong mga "tindero at tindera" ng bayan. Mabuting makita na kahit sabi ng iba, naghihirap ang Pilipinas ay nakukuha pa rin mag shopping ng mga Pilipino. Yun lang, bakit mas malaki pa rin ang kita ng hindi naman natin kalahi? Bakit parang alipin nila tayo sa sarili nating bansa? At bakit parang sila ang nakikinabang sa atin imbes na tayo ang makinabang sa kanila? At bakit napaka patriotic naman ng tanong ko? hehehe
Kidding aside, sana naman mamulat tayo sa ganitong bagay...
Yun lang!




4 naGreAct:
nandun din ako nung sunday...kung nakilala lang kita sana hinablot ko yung bag nyo hahaha!
peace out! tambay k naman caracasniabe.blogspot.com
thanks for greeting!!hehe!emo lng ganun talaga ang mga trip!hehehe
TY 4 visiting!^_^
wow naman... siguro may christmas bonus ka na. he he he. (--,)
to
EILARMOS:
ganun? ako din EMO minsan
KA BUTE:
wala pa nga noh kuripot ang boss namin hmmp
Post a Comment