Thursday, October 9, 2008

Practice makes Perfect

We had our bowling practice last night and just as expected it was fun!
Masaya ako sa score ko. Improving kahit papano.. Nag iiba kasi ang porma at tira ko kahit anong hagis ko ng diretso pagdating sa mga pins lumiliko. Parang may mga sariling isip.
Exhausted na nga kami biruin mo after mo mangarag at mastress sa work, magpapraktis pa kami. Ang iniisip na lang namin eh mga kinaiinisan namin yung mga pin na yun at kelangang patumbahin lahat! hehehe
Nakakastrike naman ako kahit papano kaya masaya! kaso nakaka distract kasi panay kuwentuhan nila ng nakakatakot at ayun........ nasira ang tira ko kaya kumanal! sayang!
Anong petsa na kami nakauwi kaya pagdating sa jeep eh warfreak na ko. Kelangan ko kasi maabutan ang favorite koreanovela ko na "My husband's woman" hehehe.
Kaso hindi ko nakausap ang mahal ko dahil tulog na siya...
may practice ulit kami tonight... Goodluck sa amin. Sa mga Tawanan at kulitan namin...hehehe

0 naGreAct: