It was a super rainy day & night yesterday. Madaling araw pa lang sumalubong na ang ulan. Huminto ng bandang umaga hanggang tanghali. Bumalik na super lakas bandang 4:00 P.M.
Sobrang frustrated na ko uwian pa lang dahil sa hindi ako makalabas ng planta. Ayokong malate sa usapan namin ng boyfriend ko kasi nga birthday niya. [October 28, 2008] Bukod pa sa ayaw kong mabasa ng ulan ang gift ko na nakalagay lang sa paper bag.
Kaya grabe pagspark ng mata ko ng nakausap ko ang driver namin thru cellphone at pumayag na ihatid kami pauwi. Yun nga lang inabot pa rin siya ng almost an hour bago nakabalik ng plant. Nagtetext na ko sa bf ko ng "Sorry", "senxa na talaga" dahil ang tagal na niyang naghihintay sa victory mall.
Kaya nung nagkita kami, nakasimangot na siya at antok na antok na. Naaawa pa nga ako nung nagaaabang na kami ng masasakyan pauwi. Nahirapan kasi kaming sumakay dahil wala ng bumbiyaheng jeep on the way sa destination namin dahil mataas ang baha sa area na yun (xempre as usual, MALABON hehehe)Kaya ang birthday celebration ng boyfriend ko eh nauwi sa "JEEPNEY DATE". Bakit? SA sobrang traffic, sa jeep na lang kami nag-usap at nagkulitan. It took us 2 hours sa biyahe pa lang kaya ayun muka na kaming lantang pechay at lamog na mansanaas sa jeep. At yung ale na katapat namin, gusto na yatang maglatag ng banig at kumot sa upuan sa sobrang antok. hehehehehe
Kahit gutom at sobrang antok na kami ng mahal ko, dinaan na lang namin sa tawanan. Ganun talaga eh parang naka freeze ang mundo ng sandaling yun at kami lang dalawa ang gumagalaw sa jeep. Parang commercial lang:
LET'S SIT & TALK A WHILE...
ONE MOMENT ONE NESCAFE"
hahahahahahaha!!!
Ang daming nabago sa
Kahit na special day niya yun, we decided to just go home na lang.
Sayang nga eh... I really wanted to spend more time with him. Yun nga lang kasi ang daming conflict!
Sabi ko na nga lang sa kanya, “At least next year pag inalala mo kung paano mo nacelebrate ang 22nd birthday mo, matatawa ka na lang kasi nagdate tayo sa Jeepney.”





0 naGreAct:
Post a Comment