Tuesday, March 25, 2008

SHINONGALENG!

“Honesty is such a lonely word. Every one is so untrue. Honesty is hardly ever heard and mostly what I need from you.”

Ang gasgas na line ng kanta na paulit ulit na nag pe play sa utak ko tuwing nakakakita, nakakarinig, nakaka amoy at nakakaramdam ako ng nagbabadyang KASINUNGALINGAN. Sabagay, since birth naman, nakakabit na sa katawan ng tao ang L-I-E. Hindi siya tao kung kahit minsan hindi pa siya nakapag sinungaling.(May mag oobject ba sa sinabi ko?) Bakit nga ba masarap magsinungaling kahit na alam naman nating masama ito? Magbibigay ako ng ilang reasons:

  • Pwede kang maligtas sa nagbabantang kapahamakan. Halimbawa: Nakita mong hinahabol ng mga pulis ang notorious na adik sa inyong lugar na nagtago sa likod ng bakuran niyo. Tinanong ka ng pulis kung nakita mo kung saan ito nagpunta. Siyempre nakita mo nga di ba? Pero dahil sa pinandidilatan ka ng mata ng nagtatagong adik at kilalang halang ang kaluluwa ang angkan nila, sinabi mong hindi mo siya kilala at hindi mo nakita kahit dulo ng anino niyang sing itim ng budhi niya. ANG GALING MONG MAGSINUNGALING TSONG! Naligtas ka sa KUKO ng buwitreng adik.

  • Makakapag absent ka sa school kung kelan mo gusto. Hindi pwedeng pumasok sa school pagkatapos mong umabsent hanggat wala kang ma ipepresent na excuse letter na pirmado ng magulang mo na dinoktor mo at pinasulat sa sekretarya ng klase ninyo. (alam lahat ng estudyante yan, hehehe)Tinanong ka ng teacher mo, ‘Nanay mo ba ang nagsulat nito?’ Tumango ka sabay sagot ng ‘opo’. AYOS! EXPERT KA NA KE BATA BATA MO PA!

  • Iwas sermon. Bagsak ka sa isa mong subject sa school dahil panay pagbubulakbol ang inaatupag ng makulit mong kukote. Nagpasya kang magshift ng course dahil ang katwiran mo sa parents mo, “Ma, napag initan lang po ako ng professor ko kasi mainit ang dugo nun sa mga magagandang itsurang katulad ko.” DOBLENG PAGSISINUNGALING NA YAN, PARE AH? At least ligtas ka sa sermon ng nanay mo. hehehe

Well… ang mga nabanggit ko eh ilan lang sa mga maliliit na rason ng mga nag te train mag sinungaling. Alam niyo ba kung sino ang founder ng mga ganyang dahilan? May mas mabibigat pa…

1. PAG NAGSINUNGALING AKO, KIKITA AKO NG MILYONES…-ABALOS

2. KAHIT MAY ALAM AKO, HINDI KO SASABIHIN! AYOKO PANG MAMULUBI AT MAMATAY NOH! – NERI

3. KAHIT MAGSINUNGALING AKO, PWEDE NAMAN AKO MAGSORRY NG ILANG ULIT EH. ANG SAYA SAYA NOH?! – GMA

Tama ba ko mga kapatid?? Itaas ang mga kamay! Iwagayway! Mamatay na ang mga magagaling magsinungaling!! (ay teka lang baka madaming mabawas sa mundo)Wahahaha
Ugly Laughing Old Woman Gifs Images

2 naGreAct:

~~m$. DoNNA~~ said...

SIGE LANG PARE! okey lang magsinungaling paminsan minsa para hindi nakakasakit ng damdamin ng iba. hehehehe... kaya nga may tinatawag tayong white lies diba??? Aminin mo, nagsisingulang ka rin sa boyfrend mo madalas diba? nyahahahahhaha!!!

~~m$. DoNNA~~ said...

Pare! wala namang laglagan sa sariling teritoryo! bwahahahahahaha!!!