Thursday, February 12, 2009

walang katapusang lakaran

Nakakapagod ang araw na to!!!

Wala na kong ginawa the whole week kundi magpababalik-balik sa mga government office at mag photocopy ng sandamakmak na resibo at reports...

haaaiiisstt...

Napapagod na ako..Parang gusto ko ng umiyak kanina sa jeep habang pauwi na ko..
paano ba naman kasi nasayang lang ang lakad ko kanina. Matapos kong mag inquire ng requirements for Clearance eh hindi naman pala kumpleto yung sinabi ng nakausap ko sa phone

KAMOTE!

badtrip! ahmmf..

waaahhh.. Hindi ko alam kung worth it pa ba tong ginagawa ko ehh..
Wala naman akong incentives man lang after ko macomplete to (masama loob)

Infact, while I'm composing this blog entry, sumasakit yung kanang balikat ko... malamang stressed-out na naman ako. Dagdag mo pa ang tumutubong mini volcano sa chin ko. (Nak ng pating oh!)

waaaaaaahhh... Gusto ko mag unwind..kaso hindi naman matutuloy yung Baguio escapade namin. (sigh)

Parang ang dami ng nagyari sa buhay ko na gusto kong ilagay dito kaso nakalimutan ko na eh.. Parang sa sobrang pagod ko ayaw nang gumana ng utak ko.

Kanina nga dapat english tong post ko eh binura ko na lang... pumatak kasi yung dugo sa short ko galing sa ilong ko..wahahaha!

kidding aside, ayaw talaga gumana ng utak ko. Parang wala ngang sense mga sinasabi ko.. hahaha! basta maiintindihan niyo din ako pag naranasan nitong maglakad ng mga pertinent docs na kinukuha sa government...

nakaka STRESS
nakaka badtrip...

yun na lang muna..next time positive na ilalagay ko dito sa blog ko..

pramiz....

2 naGreAct:

2ngaw said...

Aba!!!Tamang tama, bisita ka sa pahina ko at maki SIGAW, pampawala ng stress, pagod at kung anong emosyon ang gusto mong ilabas :D

Gandang gabi...

=supergulaman= said...

relax....sigaw ka muna kina Lord CM...aheks... gandang gabi... :)