Tuesday, January 13, 2009

mind over matter


ang tagal kong nakatitig sa'yo... na para bang hinihiling ko na ikaw ay maglaho...

nandiyan ka lang sa pwesto mo..hindi ko alam kung naaawa ka sakin..
o kaya'y nang iinsulto...

naramdaman kong ako'y nanginig...di ko alam kung ako'y tutuloy pa ba sa nakabantang mangyayari sa akin.

ngunit alam kong pag hindi ako tumuloy,
magisisisi ako at
pwedeng humarap sa matinding kahihiyan...

nang sa wakas, nahanap ko sa sarili ang aking lakas,
kahit mabigat ang hakbang,
nagawa kong lumapit sa'yo...

sa una'y may pag-aalinlangan pa rin...
pero ng maisip kong kailangan ko yun gawin, ako'y nagmadali...

nang sa wakas ako'y matapos, iniwan kita
at nakaramdam ako ng pagmamalaki sa aking sarili...
natalo ng isip ko ang katawan ko....at ako'y natuwa dahil nagtagumpay ako...

AHEEMM..BAGO KAYO MAG-ISIP NG KUNG ANO-ANO EH YAN ANG DIALOGUE KO KANINANG UMAGA... KAUSAP ANG BANYO NAMIN! NYAHAHAHA!! NAK NG PUTAKTE PAANO BA NAMAN SUPER LAMIG KANINA HINDI KO ALAM KUNG PAANO AKO MALILIGO!! NYAHAHA BUTI NA LANG AT NAGTAGUMPAY AKO...WAHAHAHA

7 naGreAct:

culletmakulit said...

Uy, nice blog. How come i didn't see you sooner. Salamat sa pagdaan. AStig ang tula, pedeng pang drama. ahahaha lam mo bagay iyong pangalan ng blog ko sa blogroll mo. Tska, iyong badge ng mga kapwa natin cute blogger. Exchange links?

Cute blogger dumadaan.

culletmakulit said...

oops...sorry mali ang nagamit kong account. Sa ate ko to eh. nagpapagawa kasi sa akin ng blog. eto blog ko. http://perspektib.blogspot.com churi!

na-excite ako mag comment.

2ngaw said...

Hehehe :D Try mo umpisahan sa ulo, then konting dampi sa paa, tapos bilang ka gang sampu, o kaya wan handred....TAPOS SABAY BUHOS NG TUBIG...Saraaaapppp :D

Isang buhos lang ha? tapos punas ka na..tapos na maligo lolzzz

eMPi said...

anak ng.... akala ko naman kung ano ng kadramahan to... hehehe... tama si Lord CM... umpisahan mo sa ulo...

ako kasi, inumpisahan ko sa ulo... tapos shampoo na agad... tapos...magsabon na sa katawan agad with scrub tapos buhos na agad ang tubig... success!!! tapos na!!!

hehehe

RiyAh said...

uu nga eh! parang feeling ko nga nagyeyelo na pati pati pawis at ihi ko sa sobrang lamig! di bale bukas try ko yung sinasabi niyo hehehe

~~m$. DoNNA~~ said...

Pare, ang tindi ng epekto ng lamig sayo.. napapa emote ka.. wahahaha :LOLZZZ!!!!

kaya pala kahapon paikot ikot ka sa garahe!!! nyaaaaaaaaaahhh!!!

2ngaw said...

Hehehe :D Try mo rin solusyon ni Donna, maghanap ng lasing na mayayakap, pero mas ok ung sayo kasi habang naliligo lolzzz...

Musta? nakaligo na ba? :D