Friday, September 26, 2008

Sportsfest 2008



href="file:///C:%5CDOCUME%7E1%5CHRAD%7E1.ASS%5CLOCALS%7E1%5CTemp%5Cmsohtml1%5C01%5Cclip_filelist.xml">

Ang saya ng opening ng Sportsfest!!! Although siyempre as usual HRAD ang na assigned sa preparation for the said event. Before the opening which was last Sunday, super ngarag na kami sa pagpeprepare ng mga kelangan. Mula registration, food stubs, signages, prizes sa games, at kung ano ano pang ka churvahan.

Siyempre during the day super takbo ako to attend to what my Boss was instructing me to do. Kung pwede nga lang hatiin ang katawan ko eh! Bonggang-bongga ang mga uniform. Makulay.




Sari-saring kakulitan ang maririnig mo. Pumarada ang mga muse ng bawat team. At merong nagpapapansin na magjowang ewan.



na nAkalain mo, nahatak pa ang ka grupo ko na mag muse at sakto swak siya sa color coding ng team na namwersa sa kanya para mag Muse.

Well, maganda naman ang nanalong Muse infairness…yun nga lang kalevel siya ng bading na Muse ng Gray team (nyahahahahhahaha)




Nag present ako with my danz crew at buti na lang nagdala ako ng walis para linisin ang kalat namin.. nyehehehehe..at least ng present noh! Basta kumita lang!! hahahahaha!! Others said the dance was good pero para sa amin that was the worst mistake we’ve done since our dancing career started. Huminto ba naman ang leader naming sa gitna ng tugtog eh! Gumaya na yung iba, at nagsipag exit pa! hehehe Hindi naman masy

adong halata pero nakakatawa pa rin pag napapanood ko yung video… Well… eto lang yun..Everybody LOSE CONTROL! Nyahaha



May cheering competition din na parang kami lang yata ang nagtyagang pumatol.. hehehe… Take note nabuo ko ang chant namin habang nagpapakahirap mag print ng registration cards per department! Resulta: kalokohang umaatikabo! Hehehe

Sigaw ng team naming:




NO MATCH KAYO, SCORE NIYO’Y LOW, LOW, LOW, LOW…..

Ngarag na nga ako sa pagsaglit sa mga kagrupo ko para magpraktis, lalo akong nangarag ng bantayan kami ng President of the company habang nag didistribute kami ng packed foods. Ikaw ba naman ang banatan ng ganito: “BAKIT DAMI TIRA FOOD? DAMI TIRA OH.. SAYANG” *with Chinese accent*

At ang mga HRAD anong ginawa? Nagsipagtalikod at nagbusy-busyhan ang mga loka-loka. No choice na kaya ako ang humarap: “Sir, kasi po ang daming hindi umatend eh…”

Naloka ako sa sagot niya with all smile pa siya: “CHARGE TO THEM” huuuuwaaaatttt???

Change topic, absent ang isang manager na sabi ng isa ring manager ay mukang natakot daw kaya hindi pumunta. Natawa ako.

May isa namang super sayaw, super harot at super picture… (at least game na game siya at nagpaparticipate talaga)

Nagkagulatan na lang at the end of the program nung biglang nawala ang mga tetra packed juice namin.


Parang silang mga buwitreng nagsipag agawan sa drum ng mga drinks. At ang mga mokong, nang tinanong ko kung sinong nagsabing magsipagkuha sila eh walang masagot. Pero kuha pa rin ng kuha! Hehehehe


We ended the day with picture taking and kulitan. Sayang nga lang para sa mga hindi nagpunta. They had missed the FUN.

0 naGreAct: